Naniniwala Ka Ba Sa Forever Essaytyper

Walang forever.

            Isa ako sa milyong-milyong taong nag p-post sa facebook at nag t-tweet sa twitter na ‘walang forever.’

            Totoo naman eh, hindi na nag e-exist ang forever. Lahat ng bagay ay hindi nag e-exist ng pang habang-buhay.

            Parang unli sa globe or smart. Sinabi ngang unlimited pero na-e-expire din. Parang yung Be Careful With My Heart, akala mo forever nang naka-air sa dos pero tignan mo, mag wawakas na rin siya.

            Parang yung pag mamahal niya sa akin. Sabi niya, forever niya akong mamahalin at kahit si kamatayan eh hindi kami mapag hihiwalay. Pero tignan mo ngayon, buhay na buhay pa ako pero iniwan niya na ako para sa ibang babae.

            Ang talkshit niya ‘di ba? Nasaan ang ipinangako niyang forever?

            Ilang beses na akong nag mahal. Ilang beses na akong nasaktan. At ilang beses na akong nabigo sa sinasabi nilang “forever” na ‘yan.

            So I stopped believing.

            Naniwala na lang ako na lahat ng taong darating sa buhay ko eh iiwan din ako. Naniniwala akong walang pagmamahal ang tumatagal ng “forever.”

            Naniniwala na akong katulad ng unlimited call and text, may expiration din ang mga taong nagsabi sa aking mamahalin nila ako ng pang habang-buhay.

            Wala nga kasing forever ‘di ba?

            Not until dumating siya sa buhay ko.

            Wala na akong pag-asa noon. Ang wasted wasted ko na. Hindi na ako naniniwala sa pagmamahal ng mga tao.

            Pero hindi niya ako sinukuan.

            Hindi siya nangako sa akin ng forever pero palagi naman siyang nasa tabi ko. Hindi niya ako iniiwan. Kada umiiyak ako, siya ang nag co-comfort sa akin. Kada nalulungkot ako, siya ang gumagawa ng paraan para sumaya ako.

            Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko napapansin noon na eversince pala, nandyan na siya sa buhay ko.

            Pero kahit ganoon pa man, madalas ko siyang makalimutan. Madalas ko siyang balewalain. Palagi akong gumagawa ng bagay na ikasasakit ng damdamin niya.

            Ilang beses ko na ba siyang binigo? Ilang beses ko na ba siyang nasaktan? Hindi ko matandaan.

            Pero palagi pa rin siyang nandyan sa tabi ko. Ayaw niya akong iwan eh kahit may mga times na itinutulak ko na siya palayo.

            Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang naitanong sa kanya kung hindi pa ba siya napapagod sa akin?

            At ang sagot niya?

            “Hinding-hindi ako mapapagod sa’yo kasi mahal kita. Forever akong nandiyan para sayo. Kahit anong mangyari…”

            Forever…

            Totoo nga ba talaga ang sinasabi niya?

            Pero hindi naman totoo ang forever ‘di ba?

            Buong buhay ko hindi ko pinaniwalaan ang salitang ito.

            Lahat ng bagay ay may katapusan. Lahat ng bagay ay pwedeng mawala sa’yo.

            Hanggang sa tumanda ako, manghina, magkasakit, at unti-unting namamatay, hindi ko pinaniwalaan ang salitang forever.

            Pero nang dumilat ulit ako, nang makita ko siyang naka-ngiti sa akin, inaalis lahat ng sakit na nararamdaman ko, pinapalitan ng masasayang alaala ang malungkot kong puso, doon na ako naniwala sa forever.

            Dahil hanggang sa huli, hindi niya ako iniwan. Hanggang sa huli, hindi niya ako sinukuan. Nandito pa rin siya at pinoprotektahan ako at minamahal ako.

            Naiyak ako sa harapan niya. Naalala ko kasi lahat ng mga nagawa ko sa kanya. Puro kabutihan ang pinakita niya pero palagi ko siyang sinasaktan at itinutulak palayo. Pero eto pa rin siya, nag aabang sa akin, naka ngiti, at buong puso pa rin akong tinanggap.

            Ang pagsasabi ko dati na walang forever ay parang pagsasabi na rin na nakakalimutan ko siya.

            Siya ang forever. At hindi lang basta forever. Siya ay infinity, eternity, walang katapusan, walang hanggan.

            Kaya salamat po, God.

            Salamat sa pag mamahal mo nang pang habang buhay.

            Naniniwala na ako na hindi lahat ng bagay ay may katapusan.

            Ikaw ang forever ko.

 

Это он должен был упасть замертво, а не бедолага азиат.  - Клушар глотал ртом воздух, и Беккер начал волноваться. - Не знаете, как его зовут.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *